Ngayong matanda ka na, malamang alam mo na:
1.Na mas maganda ang two-tone na kwintas kesa sa kwintas na gawa sa dahon ng kamoteng kahoy (na may lock na tingting) o sa pinagkabit-kabit na bulaklak ng santan (na sinipsip mo muna isa isa).
2.Na walang sipay na gumagala at nangunguha ng bata para gawing pampatibay ng tulay ang dugo. Hinahalo lang pala nila ito sa Bloody Mary. Sarap.
3. Na hindi totoong nilulunok ng tatay mo ang piso para lang lumabas sa tenga mo. Kaya nung ginaya mo sa anak mo, pumalpak ka kasi nung nilunok mo yung piso, sa pw__ mo lumabas.
4. Kung bakit ang asawa ni Marie ay walang panty. Siguro kasi lalaki ang asawa ni Marie noh! Most probably naka-brief sya. Unless, unless, TIBO si Marie? Tsismis yan.
5. Oo, tatangkad ka pag natulog ka sa tanghali. Kaya ngayon, kahit matanda ka na, wala ka nang ginawa kundi matulog! Kaya hindi ka na lumaki! Tulog ka kasi ng tulog!
6. Na ang ibig sabihin ng "Sirit" pag hindi mo alam ang sagot ay "Share it". Uy, aminin... dito mo lang nalaman yan. Kundi man, sa anak mo lang nalaman yan. Ahem.
7. Na ang ibig sabihin ng:
I love you teleber teleber
Stasyu dance
Show your see
Turn around and go away
ay:
I love you Teddy Bear Teddy Bear
Statue dance
Show your feet
Turn around and go away
8. Hindi naman pala dapat problemahin kung lolobo ang ilong mo pag nahatsing ka. Kelangan mo lang takpan ang ilong mo, tutal nandyan naman ang loob ng laylayan ng damit mo.
9. Na hindi naman pala talaga mabubura ang sulat ng lapis mo pag nilawayan mo ang daliri mo at ikinuskos mo sa papel. Pero talagang mas madaling magpunit ng crosswise kung didilaan mo muna pagkatupi ng papel.
At ang dapat pinakaalam mo na, ngayong matanda ka na,
10. Kahit palagi ka pang utusan maghugas ng plato o magpatay ng ilaw, mas masarap pa ring maging bata
Subscribe to:
Post Comments (Atom)



0 comments:
Post a Comment